Grade 11 student nalasing sa inuman; pinilahan, ginahasa ng 3 schoolmate
PINILAHAN at ginahasa ng tatlong estudyante ang kaibigan nilang 16-anyos na dalagita sa Baseco Compound sa Maynila nitong Lunes, April 7.
Agad na naaresto ng mga otoridad ang mga suspek sa isinagawang follow-up operation matapos magsumbong ang nanay ng biktima.
Base sa pahayag ng mga imbestigador, ang tatlong suspek ay pawang mga Grade 12 students, na schoolmate ng biktima, na isa namang Grade 11 student.
Sabi ni Manila Police District (MPD) Baseco Police Station commander P/Lt. Colonel Emmanuel Gomez, nangyari ang insidente ng panggagahasa madaling araw ng April 7, sa loob ng bahay ng isa sa mga suspek sa Baseco Compound.
Nabatid na nagkayayaan umano ang mga suspek at biktima na mag-inuman bandang alas-11 ng gabi ng April 6.
Pagsapit daw ng alas-2 ng madaling araw ng April 7, ay nalasing na ang biktima hanggang sa makatulog.
Biglang naalimpungatan ang biktima nang maramdaman niyang may humahalik sa kanya. At nang manlaban, pinagtulungan na siya ng mga suspek at halinhinan umano siyang hinalay.
Pagkatapos gahasain ang biktima ay agad daw nakatulog ang mga suspek. Nang makakuha ng pagkakataon, mabilis na tumakas ang dalagita.
Sa bahay ng isa niyang kaibigan dumiretso ang biktima kung saan siya natunton ng kanyang nanay na agad namang nagtungo sa police station para isinumbong ang pangyayari.
Follow Blogger Reymark Alcorcon for more blog update