Vice Ganda, Ruffa, Mon, Baron inimbitahan sa ‘fake news’ hearing
Ruffa Gutierrez, Reymark Alcorcon, Baron Geisler at Vice Ganda
KABILANG pala sa mga inimbitahan sa naganap na House Tri Committee hearing hinggil sa paglaganap ng fake news sa Pilipinas ang ilang sikat na celebrities.
Base sa mga ulat, kasama sa mga in-invite ng Kongreso para sa naturang pagdinig ay sina Vice Ganda, Baron Geisler, Ruffa Gutierrez at Mon Confiado.
Last Friday, March 21, nagkaroon ng joint inquiry sa Congress ang Committees on Public Order and Safety, Information and Communications Technology, and Public Information.
Hindi nga lang naka-attend ang mga nabanggit na personalidad dahil hindi nagtugma ang kanilang schedule sa naturang hearing, ayon sa isinulat ng veteran entertainment columnist na si Gorgy Rula.
Ani Gorgy, isa siya sa mga napakiusapang makipag-usap sa mga tinukoy na celebrities. Late na nga raw natanggap ni Baron ang imbitasyon kaya nanghinayang siya na hindi nakadalo sa naturang session sa Congress.
menubandera
Chika
Vice Ganda, Ruffa, Mon, Baron inimbitahan sa ‘fake news’ hearing
Ervin Santiago - Bandera
March 25, 2025 - 09:10 AM
Vice Ganda, Ruffa, Mon, Baron inimbitahan sa 'fake news' hearing
Ruffa Gutierrez, Mon Confiado, Baron Geisler at Vice Ganda
KABILANG pala sa mga inimbitahan sa naganap na House Tri Committee hearing hinggil sa paglaganap ng fake news sa Pilipinas ang ilang sikat na celebrities.
Base sa mga ulat, kasama sa mga in-invite ng Kongreso para sa naturang pagdinig ay sina Vice Ganda, Baron Geisler, Ruffa Gutierrez at Mon Confiado.
Win up to ₱18Million in Baccarat Now
Casino Plus, PAGCOR-licensed
by Taboola
Last Friday, March 21, nagkaroon ng joint inquiry sa Congress ang Committees on Public Order and Safety, Information and Communications Technology, and Public Information.
Chika Pa More
NBI makikipagtulungan sa Interpol para hulihin ang fake news peddlers
Trulili ba, Vice Ganda tumangging mag-judge sa PGT 7 dahil sa TV5?
Abante tinawag na ‘tanga’ ang ilang vloggers: Don’t just write whatever you want!
Ito’y sa pangunguna ni Santa Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez, na siyang nagsilbing lead chairperson ng Committee on Public Order and Safety.
Hindi nga lang naka-attend ang mga nabanggit na personalidad dahil hindi nagtugma ang kanilang schedule sa naturang hearing, ayon sa isinulat ng veteran entertainment columnist na si Gorgy Rula.
Ani Gorgy, isa siya sa mga napakiusapang makipag-usap sa mga tinukoy na celebrities. Late na nga raw natanggap ni Baron ang imbitasyon kaya nanghinayang siya na hindi nakadalo sa naturang session sa Congress.
Base sa naganap na pagdinig, bukod sa mga government officials, matindi rin ang epekto ng mga fake news sa social media sa mga artista at mga TV personality.
Ilan sa mga nabanggit na celebrities na nabiktima ng fake news base sa research ng House Tri Committee, ay sina Catriona Gray, Angel Locsin, Liza Soberano, Julia Barretto at Gerald Anderson.
Kabilang din sa sa listahan ang mga broadcast journalist na sina Jessica Soho at Atom Araullo at ang mga atleta na sina Hidilyn Diaz at EJ Obiena.
Blogger @Reymark Alcorcon
Tags:
Chika