Bagong dyowa ni Buboy Villar palaban, rumesbak kay Angillyn Gorens

Reymark Alcorcon Blogger, Buboy Villar, Isay Sampiano at Angillyn Gorens

“ALAMIN muna ang totoo bago maniwala sa tsismis. God bless!” Iyan ang pahayag ng partner ni Buboy Villar na si Isay Sampiano sa gitna ng pambabasag sa kanila ng magkapatid na Angillyn at Veybillyn Gorens.

Nag-post si Isay sa TikTok ng makahulugang mensahe tungkol sa isyu ng “privacy” na pinaniniwalaang may konek sa mga patutsada ng ex ni Buboy at sa sisteraka nito.

Halos magkasabay na naglabas ng kanilang saloobin sina Angillyn at Veybillyn sa social media matapos ibandera nina Buboy at Isay ang kanilang relasyon kasabay ng paglantad sa kanilang baby.

Nangyari ito sa pagdiriwang ng 27th birthday ni Buboy sa online show nila ni Tuesday Vargas na “Your Honor” kung saan nagkuwento nga ang magdyowa tungkol sa kanilang love story.

Bad trip ang magkapatid dahil hindi raw inilabas ng magdyowa sa publiko ang tunay na nangyayari sa kanilang personal na buhay, kabilang na ang kawalan daw ng oras ni Buboy sa mga anak nito kay Angillyn at sa pababawas ng sustento sa mga bata.

Kasunod nga nito, ibinahagi ni Isay ang isang quote sa TikTok kung saan mababasa ang mga katagang, “There’s beauty in privacy. Read that again.