Full Episode | CHITchat with Turo Family

 

Chito Samontina and Turo Family Reality Show

Chito Samontina interview "Turo Family" sa programang CHITchat Ato Ni.
Diari gyed natu makita ug unsa kalingaw ang Turo Family Reality Show

 CHITchat with Turo Family interviews 

Family of Reality Show "Turo Family"

Watch full video on Chito Samontina/ Facebook 

CHITchat with Turo Fam

Full Episode | CHITchat with Turo Family

Posted by Chito Samontina on Monday, January 27, 2025

--------------------

TAKANG-TAKA ang isang misis kung bakit pumayag na maging kabit ng kanyang mister ang babaeng napakaganda naman ng buhay at career.


Humihingi ng payo si misis kung ano nga ba ang dapat niyang gawin para tuluyan nang tumino ang kanyang asawa na parang baliw na baliw daw sa babaeng kinakalantari nito.


Sa Facebook page na Peso Sense, nag-post si tuliro at naguguluhang wifey tungkol sa kanyang marital issues. May other woman daw ang asawa niya pero hindi niya magawang sugurin at komprontahin.


Ang tanong niya, “Bakit may mga babaeng may itsura naman, may natapos, may magandang trabaho at career, may magandang bahay, may sasakyan din, dalaga pa pero financial stable na kumbaga nasa kanya na lahat pero nagawang maging kabit?


What if kissan nako si Niña? 🤔 #TuroFamily

Posted by Turo Family on Friday, May 9, 2025

“Gusto ko lang maintindihan talaga, Naiintindihan ko kung bakit nagustuhan sya ng LIP ko, kung bakit nabaliw baliw sa kanya dahil nasa kanya na nga naman lahat.


“Ang di ko magets bakit nya pinatulan Lip ko na pamilyadong tao at isang kahig isang tuka lang.. di ba dapat pag ganyang klase ka ng babae dapat mataas standard mo? Ang hanap ng ganyan mga ka level dapat nila,” ang simula ng open letter ni misis.


Patuloy pa niya, “Noon kampante ako kahit san mapunta asawa ko panatag ako na Hindi mambabae, walang kahit ano asawa ko, elementary lang natapos kaya walang naging permanenteng trabaho, isang kahig isang tuka lang kami, nangitim na din sya kaka work sa construction noon kaya di ko naiisip na may magkakagusto sa kanya nung pinapasok ko sya sa factory na pinang galingan ko.


“At ang alam ko sa mga kabet mga namemera lang, kaya sabi ko walang papatol sa kanya kasi wala sya maibibigay sa babae dahil samin palang kulang na. Mali pala ko. May kabet pala na kahit walang wala ka papatol parin sayo.


“Gagastusan ka. Bibilan ka ng mga gamit. Bibigyan ka ng pera. Iispoil ka. Kaya pala nagtaka ko gumanda katawan ng asawa ko, binibilhan ng vitamins luho at lagi binigyan ng pagkain,” patuloy na kuwento ng pro

blemadong wifey.