TNT Grand Resbak contestant tsinugi, posibleng sampahan ng kaso
TSINUGI ang isang contestant sa “Tawag ng Tanghalan” (TNT) All-Star Grand Resbak 2025 matapos umano itong lumabag sa pinirmahang kasunduan bago pa magsimula ang kumpetisyon.
Sa official Facebook page ng”It’s Showtime” na napapanood sa ABS-CBN at GMA 7, opisyal nang tinanggal sa latest edition ng “TNT” si Marco Adobas mula sa Pangkat Alon.
“Ang mga kalahok sa #TawagNgTanghalan ay may pinirmahang kasunduan o waiver bago magsimula ang kumpetisyon.
“Sa hindi inaasahang pangyayari, si Marco Adobas ng #PangkatAlon ay may nilabag na alituntunin na nakasaad sa kanyang pinirmahang kasunduan. Dahilan para sa siya ay ma-disqualify, at hindi na magpatuloy sa kumpetisyon,” ang mababasa sa FB account ng “It’s Showtime.”
“At dahil sa mga mabigat na paratang na inilahatla niya sa kanyang social media patungkol sa kumpetisyon at sa programa, ay may posibilidad na masampahan siya ng kaso,” ang nakasaad pa sa official statement.
Blogger @Reymark Alcorcon
Tags:
Chika