Sharon sumailalim sa surgery, tinanggal mga ‘chismis’ sa 2 braso

    PHOTO: Instagram/@reallysharoncuneta

Blog by: Reymark Alcorcon 

WALANG pakialam sa bashers, matapang na ibinandera ni Megastar Sharon Cuneta ang malaking peklat sa magkabilang braso.

Ayon sa kanya, nakuha niya ito matapos ang isang surgery na tinanggal ang kanyang excess skin na dulot ng kanyang pagpapapayat.

Ibinihagi niya sa isang Instagram post na kasalukuyan siyang sumasailalim sa ilang treatments upang mag-improve ang itsura ng kanyang peklat.

Chika Pa More
Sharon binigyan ng mas makabuluhang meaning ang pagsa-Sharon sa handaan
Sharon Cuneta wasak na naman ang puso sa pagpanaw ni ‘Grandpa’
KC Concepcion niregaluhan si Sharon ng mga alahas na tadtad ng diamonds
Kung maaalala last year, ibinunyag ng Megastar na nagpa-cosmetic surgery siya dahil sa mga nakalaylay niyang balat matapos mabawasan ng 100 pounds ang kanyang timbang.

Baka Bet Mo: Vico Sotto sumailalim sa ‘platelet-rich plasma’ procedure: 33 pa lang ako, pero pang-senior citizen na ‘tong tuhod ko

Kamakailan lang, bumisita si Sharon sa clinic ng celebrity dermatologist na si Dr. Aivee Teo at doon ipinakita ang malalaking chismis ni Sharon sa katawan.

“That’s the one, my surgery—when we removed skin,” sey ng batikang singer, habang hawak ng doktora ang kanyang braso at tinuturo ang mahabang peklat sa kanyang braso.

Sambit pa ni Sharon, “Imagine ang laki ng excess skin d’yan na tinanggal.”

“This is what I’m saying—the scars. Sana we have treatment,” ani pa niya.