24-anyos ayaw pang buntisin ng ka-live in kaya nakipag-sex sa ibang lalaki
Stock image
DAHIL ayaw siyang buntisin ng kanyang live-in partner, isang 24-anyos na babae ang nakipag-sex sa ibang lalaki para magkaroon na siya ng baby.
Busy daw kasi lagi ang dyowa niya sa trabaho at iba pang mga bagay kaya naman pumayag siyang makipagkangkangan sa lalaking anim na buwan pa lang niyang nakikilala.
Nag-post ang female netizen na nagpakilalang “Bell” sa Facebook page ng University Secret Files at apat na taon na raw silang magkarelasyon ng kanyang boyfriend.
“Ako si Bell, 24-year-old, may ka-live-in partner ako, 4 years na kami. Gusto ko lang naman magka-baby pero hindi niya mabigay that time pag hinihingi ko. Yes, hindi siya nagloko sa ‘kin, pero lagi siya busy sa work, kulang sa time and attention sa ‘kin,” ang simulang pagbabahagi ni Ate Gurl.
Hanggang sa may makilala nga siyang guy at six months na silang magkakilala. Naichika raw niya rito ang mga issue sa pagsasama nila ng ka-live in.
“Tapos that time ay may nakilala akong guy, 6 months pa lang kami magkakilala, sinabi ko sa kaniya problem namin ng partner ko and sinabi ko na hindi ako mabigyan ng baby
"Ito namang nakilala ko, todo comfort, siya nagpupuno ng pagkukulang sa ‘kin ng partner ko.
“Hanggang sa dumating na this month at nakipag-one-night stand ako. Habang may partner ako, nahulog na rin loob ko kay new guy na parang gusto ko pang ulitin makipag-bembangan. Na-bo-bore na rin kasi ako sa partner ko,” pag-amin ni Bell.
“Kayo na po bahala manghusga, hindi ko na makakalimutan si guy, tapos nahulog na rin loob ko na parang gusto ko pa pong ulitin. Pahingi naman ako ng advice. Salamat,” ang huling pahayag ni Bell.
WebPage Blog by: Reymark Alcorcon
Tags:
Chika